Tuesday, April 18, 2006

return of the emo

aba'y wala akong pasok ngayon at bukas.. tas may pasok na uli sa 20. puchangala!

anyway..

since wala akong pasok ngayong araw, kung san san na naman lumipad ang aking isipan. haha. ayan na.. pensive na naman ang loka. unang una sa lahat, feeling ko na naman walang kwenta at walang katuturan ang buhay ko. oo.. walang kwenta. lahat ng saya, puro panandalian lang.. minsan, pag malapit na matapos ang araw, mapapaisip ako.. ano bang napala ko? wala.. wala naman talaga.. empty.. kulang.. araw araw yan.. kaya minsan parang wala ng sense matulog e.. kasi bukas.. ganun na din naman.. eh? labo..

tangina. niloloko ko lang yata yung sarili ko e. gusto ko ng mamatay..

oo.. gusto ko ng mamatay. at alam kong madaming may gustong mamatay nako. wala naman akong nakakabanggang mga tao. as much as possible, ayokong magkaron ng kaaway. pero parte yun ng buhay... di ka tao kung wala kang nakakabangga. ano ka multo? (ehe.. ang labo.. pero bumenta sakin..) pero yun nga, mas gugustuhin ko na ngang maging multo kesa sa meron akong masaktan..

ok.. tatahimik na nga lang talaga ako..

sabi ng marami.. wala naman daw dapat akong ikabahala. madami naman daw akong kaibigan. onga naman.. ang dami kong pwedeng kausapin kapag may problema ako.. mabait lahat ng kaibigan ko.. sabi pa nga ng iba, pprotektahan at ireresbak daw nila ako sa kahit anong pangaba or gulo na mapasok ko..

pero pano nila ako mapprotektahan kung nasa loob ko yung gulo?

pakshet.

pero yun nga..

oks lang yun.. dba?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home