Friday, September 01, 2006

siete siete: back to emoland

simple lang ang naging gabi ko sa siete siete.. at natutuwa ako dun :) simpleng upo at inom lang ang naganap, pero sobrang nakakarelax. astig. basta.. pupunta pa ako sa mala-bahay na beer house na yun uli. (mala-bahay na nga.. beer HOUSE pa.. hahaha!)

hindi lang umikot ang kasiyahan ko sa nakapalibot saking alcohol at ulap ng usok. natuwa ako kasi nakapagisip isip na naman ako... at medyo matagal ko ng hindi nagagawa yun. kaya gusto ko bumalik dun...baka sakaling magisip na naman ako. e kung dun nalang kaya ako kumuha ng mga test ko. pucha. :

pero yun nga.. naliwanagan ako.. kahit na sabihin pa nating dim ang lights dun. hanep. tumawa ka.

minsan gusto ko talaga isulat yung nararamdaman ko.. pero parang hindi siya pwedeng ilakip sa mga simpleng salita lang.

kaya eto.. nagggiyera sa loob ko. nagrrally.. pwede din. gusto na kasi nilang lumaya.

may naisip ako kagabi..
minsan, nararamdaman ko na deprived na akong magreklamo. e kasi .. nakukuha ko naman lahat ng kinakailangan sa buhay para mabuhay (???) so bakit ka pa magrereklamo dba? yun ang sa tingin nila.. pero sa tingin ko.. may karapatan pa din ako magreklamo. ok ang pamilya ko, nakakakain naman ako ng tatlong beses o higit pa sa isang araw, "nakakaaral" sa isang mabuting paaralan at madami pang iba.. pero hindi pa din yun YON e. hindi ko nakukuha lahat ng gusto ko. siguro, yung mga taong nagiisip na kuntento na ako (e di pwede na akong mamatay?!) yun ang gusto nila. pero ako, gusto ko ba yun? well.. naaapreciate ko naman talaga. pero alam mo yun.. pare pareho lang naman tayong hinahanap ang mga bagay na wala sa atin.


(ieedit ko.. )

0 Comments:

Post a Comment

<< Home