Monday, December 25, 2006

sige na nga.. magsusulat nako..

ang pasko ay sumapit.. at tinatamad ako magsulat.. pero gusto ko.. so bahala ka na kung maiintindihan mo to. :

nakakita na naman ako ng sampu't saring mga tao na nakikita ko lamang ng isang beses kada taon. ay.. osige.. dalawang beses.. kasi pag birthday nila pumupunta ako. ayun. huwaw. sumakit ang panga ko dahil obligado akong umismile.. hehe. tila "naka-plaster" sa muka ko ang "ngiti".. hay kapagod. pero sige.. ok lang :)

base sa mga regalo kong natanggap..masasabi ko na matanda na nga talaga ako. sa kasamaang palad e wala ng toys at kung ano ano pang mga abubot. pero hindi naman ako malungkot dahil dun.. at least may natanggap dba? :) madaming nagbigay sakin ng bag.. at oo.. gagamitin ko ito sa school :) yey! di ko nga lang magamit yung 12 x 5 na bag.. dahil hindi ko alam kung pencil case ba to o ano.. eh? ultimo wallet at celephono ko hindi magkasya.. sus.

Namiss ko bigla si santa clause. aaminin ko, naniniwala pa din ako ngayon. feeling ko meron talaga.. pero alam ko na yung pekeng santa yung naniniharan.. este pumupunta dito sa bahay. ngayong taon, hindi kinuha ni santa ang sulat ko sakanya.. dahil hindi naman talaga ako nagsulat.. sorry na.. majors e.. busy.

hindi lamang sa mga party nagsulputan ang mga hindi ko masyado nakakausap na tao.. pero pati na din sa telepono ko... oha.. iba na talaga ang teknolohiya ngayon. madaming bumati sakin ng maligayang pasko. yey! masaya na ako dun :) pero meron din ibang mga tao na nagtext kesho namimiss daw nila ako.. woooh.. bagot lang sila :)) diii.. joke lang. yung iba naman e namimiss ko din naman talga.. :)

sa mga party na dinaluhan ko, hindi na nawala ang usong uso na novelty song ngayon.. wala ng iba kundi ang boom tarat tarat.. lahat na yata ng version ay napakinggan ko na. may bersyon ng mga batang makukulit.. mga batang konyo (buuum teraat teraat w/ matching pinky finger na nakataas at mahihinhin na galaw).. mga lolo at lola.. mga teenager (ehem.. hahaha!).. at mga kasamahan sa bahay (sila nga siguro ang pumapangalawang magaling sumunod sa mga bata). ayun.. mabuti naman at graduate nako sa mga ganyang mga christmas program.. ang huli yatang nakasama ako e uso pa ang shalala. ok.. wag na sanang umandar ang imahinasyon mo. : hindi din nawala sa christmas party namin ang "pagpila".. nagmistulang ATM ng mga magugulong bata ang mga tito, tita, lolo, lola... aba.. dito siguro hindi kami (mga medyo may edad na) exempted :P oye!

ang handa.. ang mga makasaysayang handa ng pamilya ko.. ang masasbi ko lang.. SHET. sira ang pagddiyeta ko. sa mga makakakita sakin sa pasukan.. HAHA. :

ayan na.. tinatamad na talga ako magsulat. naddistract na din kasi ako sa hilik ng tatay ko. dito kasi natulog sa kama ko. amp :

magdadagdag na lang ako sa susunod na entry.. paalam :)

i am a lame blogger

i want a copy of

1. nightmare before christmas
2. shaun of the dead
3. fight club
4. y tu mama tambien
5. donnie darko
6. one way ticket to mombasa

period.